Blog EntryUnang Araw sa CroatiaOct 11, '07 3:37 AM
for everyone

Grabe ang biyahe namin ni Fr. Bozidar dahil ang train mula Roma papuntang Venice ay nalate at naiwan kami ng tren papuntang Zagreb. 9pm na kami nakaalis ni Fr. Bozidar sa station ng tren ng Venice pero, kahit na nalate, binisita namin ang isang magandang Simbahan ng Venice ang Madonna de la Lourdes na kung saan nagsimba kami at si Fr. Bozidar naman ay nagconcelebrate. Maganda ang simbahan, liturgical siya at talaga nga namang unique sa ibang mga simbahan na nakita ko, at sa wakas ang misa ay sa Italyano kaya’t naintindihan ko at nakakasagot ako…

Around 5am na rin kami nakarating sa Zagreb, Croatia, grabe ang lamig, as in malamig!!!

Dito ako ngayon nagiistay sa bahay ng mga Heswita sa Zagreb. Dito sa bahay na ito ay may parokya at university. Nameet ko ang mga sikat na professors dito ng Theology at Philosophy. Iba talaga ang mga Heswita!

10am na kami nakaalis ni Fr. Bozidar pagkatapos ng isang maikling pagtulog. Pinuntahan namin ang mga sumusunod:

1.      Ang Basilica of the Sacred Heart na kung saan laging nagsisimba si Blessed Ivan Merz. At sa wakas! I met him! I already met our Blessed, our beloved Blessed!!! Si Blessed Ivan Merz!!! Doon sa Basilica ay ang kanyang tomb at talaga nga namang lubos ang aking kasiyahan dahil nakita at nabisita ko na ang aming “Kuya” si Blessed Ivan! Inalay ko sa kanya ang isang regalo ng pasasalamat: rosaryong paborito ko, dahil sa pagtulong niya sa akin na makapunta ako sa Rome at Croatia, ang isang Krus ng CCS, dahil sa kanyang walang sawang pananalangin at pagtulong, isang maikling sulat ng pasasalamat, at ang mga prayer intentions mula sa Pilipinas. Doon sa Simbahan, nakaupo at nakaluhod ako kung saan lagi pumipwesto si Blessed Ivan tuwing nagsisimba. Grabe talaga!!! Ibang ang presence ng holiness, as if nandoon si Blessed Ivan na katabi ko.

2.      Binista namin ang cementerio na kung saan ang mga mahahalagang tao ay nakahimlay: Una, binisita namin ang original tomb ni Blessed Ivan at nandoon pa rin ang kanyang parents at friends. Siyempre, kuha kaagad ako ng “Ex Rupe Sepulcro” ni Blessed Ivan… hehehe… Ikalawa, binista namin ang tomb ng mga Franciscan na pari na kung saan nakahimlay ang paring special sa puso ni Fr. Bozidar na balang araw ay ipoprocess din for canonization. Nandoon din si Fr. Karlo Kaic, OFM, na naging missionary sa Philippines. Sunod ay binisita namin ang tomb ni Servant of God Marica Stankovic, na nagdiriwang ng 50th death anniversary kasabay ng Independence Day ng Croatia mula sa Communist.  Kuha din siyempre ako ng “Ex Rupe Sepulcro” ni Servant of God. Si Marica ay matalik na kaibigan at isa sa mga nainspire kay Blessed Ivan upang mahalin ang buhay layko. Pagkatapos, binisita din namin ang himlayan ni Pres. Franjo Tubman, ang “Cory” ng Croatia, na president ng 1st republic of Croatia at “Moses” ng Croats. Nagtungo din kami sa himlayan ni Fr. Franjo Jambrekovic, ang Spiritual Director ni Mother Teresa of Calcutta, na talaga nga namang mararamdaman mo ang holiness ng pari na ito na tumulong upang si Mother Teresa ay maging banal din. Huli ay binisita namin ang tomb ni Prof. Marakovic, ang professor ni Blessed Ivan Merz. Kahit patay na sila, buhay na buhay pa rin ang kanila kabanalan at kabayanihan na talaga nga namang nakakainspire upang tayo’y [ako’y] maging banal.

3.      Umuwi muna kami ni Fr. Bozidar para sa aming lunch. Grabe ang sarap ng pagkain dito! Tataba na naman ako!!! Anyway, after we ate lunch, tulog muna… uso siesta dito noh.

4.      Kinahapunan, alis uli kami kasi aattend si Fr. Bozidar sa isang conference sa canonization process ni Servant of God Marica Stankovic. Doon una kong nameet ang postulator ng Servant of God.

5.      Iniwan muna namin si Fr. Bozidar, kasama ko si Joseph, kaibigan niya, upang ikutin ang “heart of the city”. Una, punta muna kami sa magandang Cathedral ng Zagreb. Ay naku po!!! Napakaganda! As in! Doon ko nabisita ang mga tomb ng bayani at malalaking tao ng Croatia. Doon din aking nadalaw ang tomb ng Cardinal-Archbishop at Martyr ng Croatia, si Blessed Stepinac. Grabe ang kanyang story, as in! Sunod, doon din ang relic ng isang Archbishop ng Zagreb, Bl. Augustine. Pagkatapos, nagtungo kami sa Piazza, sa shrine ng Golden Gate at simbahan ng Santa Catalina at San Francisco de Assisi na talaga nga namang napakaganda.

6.      6pm, bumalik kami sa Cathedral para sa misa ng independence day at 50th death anniversary ni Servant of God Marica Stankovic. Ang auxiliary Bishop ng Zagreb ang nag-preside, at talagang mamamangha ka sa solemnity at ganda ng Liturgy! Liturgical sila!!! After the Mass, mineet ko ang Bishop at nagusap sandali at binigyan ako ng blessing, in behalf ng CCS at ng mga Pinoy. Tuwang tuwa siya ng makita ako kasi nga madalang ang pinoy sa Croatia.

Natapos ang lahat sa isang masarap na hapunan, salamat at Chicken steak ang pagkain kung hindi patay na ako balik na naman ako sa bewang na 32 hehehe.

Unang araw pa lang ito ngunit punong puno na ng kasaysayan sa aking buhay. Salamat Panginoon sa magandang handog na ito!


vonggay1 wrote on Oct 28, '07, edited on Oct 28, '07
Pagbati mula sa Sydney, Australia.

Maraming salamat sa pagbahagi sa amin ng iyong maganda at mga banal na experiensya sa pinapagpalang lugar ng Croatia kasama ng mabubuting Croatians. Pinadalahan ako ng kopya ng nota ni Ginoong Darko Zubrinic na nalathala sa website ng Croatian World Network na pinangunguhanan ni Ginoong Nenad Bach. Lubhang mapagkalingang tao sila, na kahit mataas ang kaalaman at maraming tagumpay, ay nanatiling silang mapagkumbaba at makalingang tao. Nagpapasalamat ako sa Diyos na bagamat hindi pa kami nagkita ng personal ay mayroong malalim na pagkakaunawaan.

Palain ka nawa sa mga banal mong gawain. Mabuhay.

V. Calvert
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Modified from Mediterranean by John Whittet.
Originally on the CSS Zen Garden.
Used and Modified with permission from the author.